Internet Dating
3 Techniques That Most Pinoy Networkers Come To Know & Love But Hated By Their Prospects
“Image courtesy of renjith krishnan / FreeDigitalPhotos.net”.

Kung nabasa mo ang sinulat kong article kung talaga bang hindi mo kailangan magbenta once nasa network marketing, MLM at home based business ka, malalaman mo na in order to succeed sa industry na’to kailangan mong mag-acquire ng new set of skills.

You have to learn “good sales and marketing techniques.”

Kapag nasa network marketing ka you are in SALES.

SEE ALSO: Talaga Bang No Selling Required

Pero sa karamihan ng mga Pinoy networkers or network marketers mukang hindi sa kanila naituro ang katotohanang ito. Kaya madami sa kanila ang kakamot-kamot pa din ng ulo at nagtataka bakit hanggang ngayon wala pa din silang napapasali sa kanilang business opportunity.

Hindi nila alam na ‘yung mga techniqes na kanilang ginagamit ang nagiging dahilan kung bakit ayaw na ayaw ma-involve ng kanilang mga prospects sa network marketing. Mga techniques na nagbigay ng napakapangit na imahe sa industriyang ito at kapag ikaw ay involve dito automatic na bansag sa’yo ay isang scammer kahit gaano pa ka-legitimate ng ino-offer mo.

Masisisi ba natin ang mga prospects natin kung ganito ang first impression nila? Sa palagay ko hindi.

Sa article na ito iisa-isahin ko ‘yung mga techniques na naituro at ginagawa ng karamihan ng mga Pinoy networkers or network marketers na imbis na makapagbigay sa kanila ng success ay lalo pang nagdadala sila sa failure:

1 . Sharing Technique (Hindi Naman Ito Sales, Share-Share Lang)

Ano ba ang problema sa technique na’to?

Una, kung hindi naman talaga ito sales hindi mo na kailangan ng sales training. Marami tuloy mga bagong sali sa network marketing ang hindi handa kung papaano nila ibebenta ang kanilang products at opportunity.

Pangalawa, maling expectation ang ibinibigay nito sa mga bagong sali dahil aakalain nila na napakadali lang gawin ng ganitong business at hindi nila ito sisiryosohin. At kapag nadiskubre na nila na hindi lang pala ito basta sharing lang dun na sila mag-gi-give up at mag-ku-quit. At masakit pa nito sasabihan pa sila na madaling mag-give up at mag-quit pero ang katotohanan hindi naman sinabi sa kanila kaagad na kailangan nilang magbenta.

Pakaisipin mong maige ito:

Anytime you’re asking another person to give you money in exchange for something, you’re talking about sales. – Ann Sieg

Selling is not sharing and sharing is not selling.

Pero Christian, kailangan ba agad sabihin natin sa mga prospects natin na kailangan nilang magbenta? Di ba sabi mo dun sa isa mong article idea pa lang na kailangan magbenta ayaw na ng prospect natin?

Isa lang ang sagot ko, paano kung tuturuan mo sila ng effective sales and marketing strategy bago pa sila sumali sa’yo, (uulitin ko bago pa sila sumali sa’yo), lalo na kung FREE training ang ibibigay mo, sa palagay mo ba hindi sila sasali sa’yo?

Kapag alam na nila ‘yung tamang techniques kung paano magbenta ng kanilang products dahil binigyan mo sila ng tamang information sa palagay mo ba magkakaroon na sila ng confidence para gawin ‘yung business? Lalo na ‘yung techniques na ‘yun ay hindi nila kailangang mangulit ng mga kamag-anak, kaibigan at kakilala?

Meron bang ganuoong training?

Syempre naman.

Click mo lang DITO at ibigay mo din ang link na yan sa mga prospects mo upang matutunan nila ang mga tamang strategies upang maging successful sa network marketing.

2. Word of Mouth Technique

Ano ba talaga ang Word of Mouth?

Nakapanuod ka ng isang napakagandang pelikula. Ang ganda ng istorya, ang galing ng mga gumanap, ang ganda ng ending, etc., etc. Sa sobrang ganda ng pelikula hindi mo mapigilang sabihin sa mga kamag-anak, kaibigan at kakilala mo. Pino-post mo pa nga sa Facebook. 🙂

Dahil sa’yong recommendation marami ding nanuod at nagandahan dun sa pelikula.

Pero sa ginawa mong ‘yon wala ka namang financial na na-gain at ‘yun ang tunay na Word of Mouth.

Tanungin kita pagnirerekomenda mo ba ang business opportunity mo sa’yong mga kamag-anak , kaibigan at kakilala may financial gain ka bang makukuha? Kikita ka ba pag sumali sila sa business mo? Definitely yes.

At hindi ‘yun Word of Mouth. It selling.

Hindi na sya personal recommendation kundi binebentahan mo na sila. ‘Wag na ‘wag mong hahayaang may magsabi sa’yo na pareho lang sila, dahil hindi.

At kapag naunawan mo ang katotohanang ito mari-realize mo na kailangan mo talagang matuto ng effective sales skills.
Pwede mong simulan ngayon din na matuto ng effective sales skills, for FREE. Click HERE.

3. Harassment Technique

Sa technique na’to naituro na everybody is your prospect. Kaya anong ginagawa ng mga network marketers na natuto ng ganitong technique? Lahat ng kamag-anak, kaibigan at kakilala nila inalok ng kanilang product at business opportunity. Nung naubos ang kamag-anak, kaibigan at kakilala mga hindi naman kakilala ang inalok.

Ito ‘yung technique na nakapagbigay ng pangit na reputasyon sa network marketing. Sinira nito ang imahen ng propesyonalismo ng industriyang ito at kung bakit maraming hirap na hirap makapag-isponsor.

Kaya ‘wag kang magtaka kung ang first impression sa’yo ng mga kamag-anak, kaibigan at kakilala mo ay scammer ka pag na-involve ka sa network marketing dahil nadamay ka lang.

Pero Christian, paano ako kikita kung hindi ko naman iaalok ang products at opportunity ko?

May gusto akong sabihin sa’yo. Para makapagbenta ka ng products mo o kaya naman makapagpasali ka ng tao sa opportunity mo kailangan a need and desire must exist first. O kaya naman kailangan magpakita sila ng interest dun sa ino-offer mo. Other than this mag-aaksaya ka lang ng oras at effort at malamang puro rejection pa ang mapapala mo.

Isipin mo ito: Bakit mo aaksayin ang oras mo sa mga taong alam mo namang hindi nagpakita ng interes gayong merong mga tao na gustong magsimula ng kanilang sariling business? Mga tao na may initiative at willing gawin ang lahat para magsucceed?
Isa lang ang dapat mong gawin. Kailangan iposisyon mo ang sarili mo kung saan ka mahahanap ng mga taong ito.

Paano? CLICK HERE.

If you have any Questions, Comments or Suggestions, use the comment box below. I would really love to hear from you.s

This article is brought to you by Christian Carpeso, who enjoys helping people SUCCEED with the help of the internet. Click here to get to know Christian Carpeso better. Thanks!

FREE Ebook!
The Shy Type Marketers Manifesto

Discover The 7 Business Principles That Is Almost Never Taught To Majority Of Network Marketers That Helped An Introverted Guy With Poor Social & Communications Skills To Sponsor 3 People Per Month After Struggling For 18 Months In His Network Marketing Business!

Thank you for subscribing.

Something went wrong.

Comments

comments


Christian Carpeso
Christian Carpeso

Christian Carpeso is an Overseas Filipino Worker (OFW) currently based in Dubai, UAE. He's also the owner of the website ChristianCarpeso.com where he constantly publish articles that helps network marketers how to generate leads and recruit using the internet.

Leave a Reply