A Simple Transformational Step for Network Marketing Success

A Simple Transformational Step for Network Marketing Success

On my previous blog post na-discuss ko ‘yung tamang mindset na dapat nagpo-provide ka muna ng guidance sa mga prospects mo bago mo i-offer ang ‘yong network marketing business.

Na-banggit ko din dun na ayaw na ayaw ng mga prospects mo na binebentahan o kaya naman kinukumbinse o kaya naman ay pinipilit sila.

Ang kailangan mong matutunan ay dapat taos-puso mo munang tinutulungan ang mga prospects mo sa kanilang mga problema para matigil ‘yung paghahabol mo sa kanila bagkus sila ‘yung naa-attract mo hanggang sa magdesisyon sila na tanungin ang ginagawa mo, matutunan din ‘yon at bilin kung ano man ang ino-offer mo.

Kung hindi mo pa nababasa ‘yung blog post na ‘yun punta ka lang dito.

Let’s get into topic.

Ano ba ‘yung trasformational na step na kailangan mong gawin for your network marketing success?

Napaka-simple lang ng step na’to at ito lang ang kailangan mong gawin:

Tigilan mo ang pagpo-promote ng ‘yong network marketing business.

Let me explain bago ka mag-react violently.

Maging Matulungin Ka

Hayaan mo muna ang sarili mo na tumulong sa mga tao ng walang ano mang hinihinging kapalit.

Ang approach na’to ay maihahalintulad mo sa isang consultative type. Hindi lang ito puro “sumali ka na sa business ko.” Sa totoo lang madalang na madalang na may sasali kaagad sa’yo ‘pag ganitong ang approach ang ginawa mo. Kung minsan napakatagal ng aabutin bago may sumali sa’yo. Kung minsan naman hindi ito nangyayari.

Business Man Listening Something

Image courtesy of David Castillo Dominici at FreeDigitalPhotos.net

Ang kailangan mong gawin ay pakinggan ang kanilang mga pangangailangan. Alamin mo kung paano mo sila matutulungan.

Kung minsan may ibang paraan kung paano mo pagkakakitaan yung mga prospects or leads na hindi sumali sa network marketing business mo. Pwedeng affiliate product. O kaya naman i-charge mo sila for consultation o kaya naman tulungan mo sila at along the way may mga tao silang pwedeng i-refer sa’yo.

Pwede din naman na makuha mo lang ang attention nila. Napakalaking hakbang na nito na magkaroon sila ng idea kung sino ka. Nakakapagtanim ka ng relationship.

Kapag ganito palagi ang ginagawa mo at ginagawa mo ang mga bagay na’to sa madaming tao, dito mo simulang mararanasan na ang tao ang mismo ang lalapit sa’yo na magtatanong kung anong ginagawa mo, kung pwede din ba nilang matutunan yung ginagawa mo.

Ulitin lang natin:

Tigilan mo na ang pagpo-promote ng network marketing opportunity mo kung hindi naman ito makakatulong para makapag-build ng long-lasting relationship sa prospects mo.

Nakatulong ba sa’yo ang article na’to? Please let me know. I would greatly appreciate if you commented below and shared on Facebook.

PS. Want to Learn How YOU Can Magnetically Attract Lots Of Customers and Downlines In Your Network Marketing, Direct Sales and Home Based Business Using The Power Of Internet. CLICK HERE NOW!

Comments

comments

Leave a Reply