A Very Disturbing Statistics About OFWs

Recently Released by the National Statistics Office (NSO)

Nakakabahala ang statistcs na nilabas ng National Statistics Office (NSO) last May 25, 2016.

Ayon sa NSO, sa bawat sampung OFW halos apat o 39.1% ang nakakapag-set aside ng savings galing sa kanilang mga remittances.

Sa bawat sampu namang OFW na nakakapagtabi ng pera anim ang nakakapagtabi ng 25% ng total na remiitance nila.

SEE ALSO: Isang OFW Sa Dubai, Sa Isang Iglap Naubos Ang Inipong Pera

Ibig sabihin, kung yung sampung OFW na yun ay kumikita ng tig-P20,000 bawat isa, anim sa kanila ang nakakapagtabi ng P5,000, dalawa naman ang nakakapagtabi ng P5,000 – P10,000 at dalawa din yung nakakapagtabi ng P10,000 pataas.

Nung nakaraang 2015 naitala din ng NSO na humigit kumulang 2.447 million ang bilang ng mga OFWs.

Ibig sabihin, humigit kumulang 1,270,000 OFWs ang hindi nakakapag-set aside ng pera for savings.

Bakit kaya ganito? Ano kaya ang dahilan?

Ayon sa aking pagsasaliksik, ito ang aking mga nalaman:

I’m Also An OFW

Pero bago ko isiwalat ang aking nalaman, hayaan nyo munang sabihin ko sa inyo bakit ko ba sinaliksik ang bagay na ito.

Bilang isa ding OFW dumating yung time na nakita ko na nandun ako sa sitwasyon na kailangan kong humanap ng paraan para kahit papaano madagdagan ang aking perang kinikita.

Bagamat sapat ang kinikita ko para sa aking mag-ina na-realize ko kung ganoon pa din ang kikitain ko hindi ko mabibili ang mga bagay na gusto ko para sa sarili ko at sa pamilya ko tulad ng:

  • Sariling bahay
  • Sariling sasakyan
  • Sariling negosyo
  • Mga latest na gadgets
  • Makapagbakasyon sa iba’t ibang lugar

Bukod dito ayaw ko din matulad sa aking ama na mahigit ng dalawapung taon ng OFW. Ayaw kong tumanda ako na minsan ko lang nakakapiling ang aking pamilya at hindi masusubaybayan ang paglaki ng aking anak.

The Reality About OFWs

Ngayong naibahagi ko na ang aking kwento balik na tayo dun sa mga nalaman ko sa aking pagsasaliksik.

At least 60% ng mga OFWs ay nananatiling mahirap sa kadahilanang hindi sila makapagtabi ng pera sa panahong nagtatrabaho sila sa ibang bansa.

Kaya naman maraming hindi nakakapagtabi ng pera ay dahil sa mga sumusunod na dahilan:

  • Baon pa din sa utang na ginamit para makapag-abroad
  • Hindi sapat ang perang sinasahod para sa gastusin ng pamilya sa Pilipinas
  • Napupunta ang kinikita sa bisyo
  • Gumagastos ng mas malaki kaysa sa kinikita
  • Hindi naibigay yung napagkasunduang sweldo
  • Nabiktima ng illegal recruiter

At dun naman sa mga nakakapagtabi ng pera madalas napupunta naman ito sa hindi inaasahang bayarin. At kung mababakasyon naman ang isang OFW dahil nga wala syang source of income habang nasa bakasyon, nagagalaw din yung perang naipon. At kung minsan pag kinapos ay nakakapangutang pa ng pera. Kaya pag balik sa abroad meron na naman bagong pinagkakautangan.

Sa lahat ng aking pagsasaliksik, isa lang ang madalas na payo na nakikita ko: mag-tabi ng pera.

Wala man lang akong nakitang nagpayo kung papaano papalakihin ang perang kinikita natin.

Isipin mo ‘to!

Kung halimbawang kumikita ka ng P20,000 sa pag-aabroad at P20,000 din ang total na gastusin mo at ng pamilya mo sa Pilipinas paano ka nga naman makakapag-ipon?

At ito pa ang hindi natin madalas alam, makapag-ipon man tayo, yung perang naipon natin ay palaging naapektuhan ng inflation. Ibig sabihin yung P100 pesos mo ngayon hindi na kasing halaga ng P100 pesos sa loob ng limang taon.

Kung mapapansin nyo, nuon ang dami mo ng mabibili sa P100 ngayon yung P1,000 pesos mo kulang pa na pang-grocery.

Kaya bakit imbis na subukan mong mag-ipon bakit hindi mo na lang palakihin ang perang kinikita mo?

Hindi ba mas magandang idea yun?

You Can Make A Choice Right Now

Ang idea na ito ang nagdala sa’kin para maghanap ng paraan kung papaano ko papalakihin ang perang kinikita ko.

Napag-alaman ko na madami din palang OFW na katulad ko na naghangad din palakihin ang kanilang perang kinikita.

Merong mga OFW na umuwi na sa Pilipinas dahil nahanap na nila ang sagot sa kanilang katanungan at nagbibigay na sa kanila ng higit pa sa kinikita nila nung sila ay nasa abroad pa lamang.

  • Masaya na nilang kapiling ang kanya-kanyang pamilya
  • Nakakapunta sila sa mga gusto nilang puntahan
  • Nabibili ang mga gusto nilang bilin ng hindi nagigipit sa pera

Meron mga OFW pa din at patuloy na ginagawa ang nahanap nilang kasagutan upang mapalaki ang kanilang kinikita.

Meron din namang mga OFW na bago pa lang nahanap ang kasagutan at sinisimulang ng gawin iyon dahil nais din nilang:

  • Makapiling ang kani-kanilang pamilya sa Pilipinas
  • Mapuntahan ang mga lugar na gusting puntahan
  • Gawin ang mga bagay na gustong gawin
  • Mabili ang mga bagay na gusting bilin ng hindi nagigipit at nagkakaproblema sa pera.

Kung gusto mo ding alamin ang nadiskubre ng mga OFW na ‘to click the BLUE BUTTON below:

P.S. Kung nagustuhan mo ang nabasa mo ngayon, maaari mo itong i-SHARE sa mga katulad din nating OFW. I’m sure magugustuhan din nila ang kanilang matututunan dito.

P.S.S. I would really, really appreciate if you also LIKE my Facebook Fan Page —> http://www.facebook.com/chriscarpeso

Comments

comments

25 Comments

  1. Freitch
    • Christian Carpeso
    • Christian Carpeso
  2. bor
    • Christian Carpeso
  3. jack
    • jinky jinky
      • jacy
        • Christian Carpeso
      • Roseller
        • Christian Carpeso
  4. jeffrey c villanocha
    • Christian Carpeso
  5. Lonimars
    • Christian Carpeso
    • Andrew
      • Christian Carpeso
  6. Ana
  7. Juvy
    • Christian Carpeso
  8. felimon castanasre
  9. julio
  10. ronald gallarte

Leave a Reply