Bakit Puros Rejections ang Napapala Mo?

Male Showing Pointing Down

“Alamin Kung Paano Ka Hindi Na Muling Makakatanggap ng Rejection at sa Halip Ikaw Pa Ang Hahabulin ng mga Prospects Upang Sumali sa Business Opportunity Mo”
“Image courtesy of imagerymajestic / FreeDigitalPhotos.net”.

Simpleng sagot lang: Hindi kasi ikaw ang may final na decision!

Let me explain.

I will just assume na ganito ang turo sa’yo ng upline mo: Alukin mo lahat ng mga kamag-anak, kaibigan at kakilala mo. Sabihin mo sa kanila kung gaano kaganda at one-of-a-kind ‘yung opportunity mo.

Kaso ang problema hindi mo alam na sa paningin ng mga kamag-anak, kaibigan at kakilala mo nagmumuka kang desperado, unprofessional at amateur OFW online marketer.

Kasi pinosisyon mo ang sarili mo na naghahabol sa kanila para lang mapasali sila sa opportunity mo o kaya naman ay bumili ng mga products mo.

At bakit mo ba sila laging hinahabol?

Kasi meron kang kailangan na sila lang ang makakapagbigay.

Gusto mo kasing bumili sila sa’yo o kaya naman ay sumali sa business opportunity mo.

Kaya sila palagi ang may final na desisyon kung “bibili ba” sila o “hindi”, kung “sasali ba” sila sa’yo o “hindi”. At ikaw WALA, ZERO. Nakadepende ka palagi sa magiging sagot nila. WALA kang kontrol sa sitwasyon at nasa kanila lahat ng kontrol.

Ito ang gusto kong makita mo bilang isang OFW online marketer, kapag ikaw kasi ang nag-aapproach sa mga prospects mo, lalo na kung wala naman silang pinakitang interes dun sa inaalok mo, inalalagay mo lang ang sarili mo sa ganitong sitwasyon.

At kahit anong ganda pa ang product or opportunity mo, kahit anong ganda pa ng pagkakapaliwanag mo tungkol dun sa inaalok mo, malabong mapaniwala mo sila sa gusto mong sabihin. 

Maaari ba nating ma-i-reverse ‘yung situation? Maaari bang na sa’yo lahat ng control? Maaari bang ikaw ‘yung may final na decision?

Syempre naman.

Imaginin mo ito:

Isa kang kinikilala at respetadong OFW online mrketer pag dating sa pag-build ng isang home based business.

O kaya naman ay isang kang best selling author or public speaker na palaging iniimbita para magsalita sa mga conferences.

Meron kang column sa isang popular na home based business magazine at madalas kang interviewhin sa mga radio shows o kaya naman sa mga popular na website.

Sa palagay mo ba sisiryosohin ka ng tao? 

Sa palagay mo ba na ‘yung mga tao na may interes sa product or opportunity mo ay ikaw na ang hahabulin dahil sa’yong expertise at abilidad na matulungan sila?

Pwede ba nating pagkasunduan na sino man na recognized na expert ay makakapagbenta ng maraming products or makakapagpasali sa kanyang opponutity kumpara dun sa walang credibility?

Pero alam ko ang nasa isip mo:

“Pwede ‘yung sa ibang tao Christian, kaso HINDI NAMAN AKO EXPERT!” 

May sikreto akong sasabihin sa’yo:

HINDI mo kailangan ng napakahabang listahan ng mga accomplishments para magkaroon ka ng credibility o ma-recognize as an expert.

Siryoso.

Akala kasi ng madaming tao para ma-consider ka na expert dapat maging successful ka muna. Isipin mo na lang kung ganun lang pala ang basihan bakit ka pa mag-aaksaya ng oras mong mag-build ng home based business kung alam mo naman na wala ka pang chance dahil wala kang kahit katiting na credibility.

But may good news ako sa’yo:

Isang napakabilis na paraan para maging successful ka ay IPOSISYON mo ang iyong sarili bilang expert.

Ulitin ko IPO-POSISYON mo lang ang sarili mo bilang isang expert.

At napadaming paraan para gawin ito ng hindi mo kailangan ng napakadaming taon ng experience para lang masabi na isa kang expert.

Maaari mo syang gawin NGAYON DIN! Kahit na bago ka pa lang o matagal ka na, successful ka man o hindi.

Panuorin mo ang video na’to —> http://bit.ly/alpha-attraction-marketing-live

If you have any questions, comments or suggestions, use the comment box below. I would really love to hear from you.

This article is brought to you by Christian Carpeso, who enjoys helping people SUCCEED with the help of the internet. Click here to get to know Christian Carpeso better. Thanks!

Comments

comments

Leave A Response

* Denotes Required Field