The “Hanggang-Skype-Na-Lang” OFW Lifestyle


3:00 AM, yan ‘yung oras na naka-set sa alarm clock ng cellphone ko. Although most of the time hindi naman talaga ako bumabangon ng oras na yan kasi ‘yung pangalawang alarm ko ay 4:20 AM pa.

I know! It’s crazy! Magse-set ng alarm tapos hindi naman babangon.

Masarap kayang matulog. Try mong gumising ng ganyan din kaaga.

Maaaring may tanong ka sa isip mo ngayon bakit ang aga naman ata ng gising ko?

6:00 AM kasi ang alis ng service ko papuntang trabaho at gusto ko isang oras bago kami umalis makapag-Skype kami ng pamilya ko na nasa Pilipinas.

5:00 AM dito sa Dubai at 9:00 AM sa Pilipinas kaya sa mga oras na ‘yung gising na rin ang asawa ko at dalawa kong anak para makapag-Skype kami.

Kaya yung gising ko ng 4:20 AM ay tama lang para sa pagligo at pag-prepare sa pagpasok ko sa trabaho.

Paano Binago Ng Skype Ang Buhay Ng Mga OFWs

Nagpapasalamat talaga ako sa technology ngayon dahil kahit papaano nakakausap ko in real-time ang family ko. Nakikita ko kung anong actual na ginagawa nila sa Pilipinas habang kausap ko sila dahil sa video call technology na meron ang Skype.

Back in the ’80s sulat at voice tape lang ang form of communication ng mga OFWs. Bakit ko alam? OFW din kasi ang tatay ko. For almost 35 years syang nag-abroad and for many years sulat ang communication nila ng nanay ko. Halos isang linggo bago nila matanggap ang sulat nila sa isa’t isa. Isipin mo na lang na ang dami ng nangyari sa isang linggong yung bago pa nila natanggap ang kani-kanilang sulat.

Kung minsan naman voice tape ang ginagawa namin madalas tuwing Pasko at Bagong Taon.

It was really a tough situation back in those days. I remember one time nung medyo may isip na ako na bumalik na ulit ng Saudi ang tatay ko galing bakasyon.

Nakita ko ang nanay ko na iyak ng iyak sa kwarto habang hawak ang picture ng tatay ko.

By the time na ako na din ang nag-abroad naramdaman ko din kung gaano kasakit ang naramdaman ng mga magulang ko nung mga time na yun.

July 31, 2005 nung first time akong nag-abroad at bagamat wala pa akong sariling pamilya nun, in a way naramdaman ko din yung ganong feeling.

Kaya malaki talaga ang pasasalamat ko sa advancement ng technology ngayon. Pwede ko silang tawagan kaagad gamit ang cellphone o kaya naman makapag-video call sa Skype para makita nyo ang isa’t isa.

Parent-To-Children Relationship

Nung pinanganak ang dalawa kong anak, sa parehas na sitwasyon wala ako sa piling nila dahil nandito nga ako sa Dubai. Isa sa mga naging takot ko ay yung hindi kaagad ako makilala ng mga anak ko.

Ang kwento kasi ng mga magulang ko nung first time na umuwi ang tatay ko galing Saudi natakot daw kaming magkapatid sa tatay ko at ayaw naming sumama.

Well, ganun din ang naranasan ko nung first time na umuwi ako para makita ang panganay ko, hindi sya sumama nung unang nakita ako. Pero mga ilang araw lang sumama na din sya dahil siguro napansin nya na ako din yung nakakausap sa Skype.

Ibang sitwasyon ang nangyari sa bunso ko kasi sumama kaagad sya saken. Pero yung panganay ko although 4 years old na sya nag-iinarate pa din at ayaw kaagad sumama saken. Pero nung nasa Jolibee na kami para kumain muna, sumama na din at panay na ang tawag saken.

Ito yung isa sa mga ipanagpapasalamat ko na naibigay ng technology para sa mga kagaya kong OFW, nakakapag-communicate kaagad tayo sa mga mahal natin sa buhay sa Pilipinas, hindi tulad ng mga magulang ko na nag-aantay pa ng ilang linggo bago matanggap ang sulat nila sa isa’t isa. Malapit pa kami sa Maynila nakatira nun. Imaginin mo na lang kung gaano katagal natatanggap yung mga nasa probinsya, yung sa North Luzon, sa Visayas o kaya naman sa Mindanao.

The STILL Sad Reality Among OFWs

But here’s the STILL sad reality:

Kahit na natulungan ng technology na magkaroon ng real-time interaction ang pamilyang OFW may mga sitwasyon pa din na hindi kayang gawin nito.

At ano ang mga sitwasyon na’to? Mga importanteng okasyon sa buhay ng mga mahal natin sa buhay tulad ng:

  • Birthday ng mga anak mo
  • Mga “first time” ng mga anak mo (first time mag-salita, first time mag-lakad, first time mag-school, etc.)
  • Graduation
  • Pasko
  • Bagong Taon
  • Anniversary

Let’s face it, marami sa mga importanteng okasyon sa buhay ng mga mahal natin wala tayo sa piling nila dahil nga kailangan nating mag-abroad para dito magtrabaho dahil mas malaki ang kita.

Sinasakripisyo natin ang buhay na kapiling sila sa mga importante okasyon sa buhay nila kapalit ang malaking kita na kinikita natin sa abroad para mabigyan sila ng magandang buhay.

Kaya nga “Bagong Bayani” o “Buhay Na Mga Bayani” ang tawag sa ating mga OFW.

Ngunit meron pang isang nakakalungkot na realidad sa’ting mga OFW, na sa lahat ng sakripisyo natin karamihan pa din sa ating ang nananatiling mahirap. Bagamat napupunan natin ang mga pang-araw-araw na pangangailangan ng ating pamilya karamihan sa’tin ay hindi nakakapag-ipon ng pera.

Sa katunayan, ayon sa statistics na ginawa ng National Statistics Office (NSO) halos apat lang sa bawat sampung OFW ang nakakapagtabi ng pera buwan-buwan. Dun sa naman sa mga nakakapagtabi, anim sa bawat sampung OFW and nakakapagtabi ng 25% ng kinikita nila.

Bakit kaya ganon?

Ito ang ilan sa mga dahilan:

  • Baon pa din sa utang na ginamit para makapag-abroad
  • Hindi sapat ang perang sinasahod para sa gastusin ng pamilya sa Pilipinas
  • Napupunta ang kinikita sa bisyo
  • Gumagastos ng mas malaki kaysa sa kinikita
  • Hindi naibigay yung napagkasunduang sweldo
  • Nabiktima ng illegal recruiter

Ang tanong ngayon ay paano ka makakapag “for good” kung hindi ka nakakapag-ipon?

SEE ALSO: A Very Disturbing Statistic About OFWs

What Do You Need To Stop From Working Abroad

May dalawang bagay kang kailangan para makapag “for good” ka ayon sa ginawang pag-aaral ng Philam Life:

  • 3 milyon pesos
  • Sariling negosyo

SEE ALSO: Binalak Mo Na Bang Mag “For Good?” You’ll Be Shocked At The Amount Money You Need To Stay Home

Ito yung iba pa nilang napag-alaman sa survey na’to:

  • Walo sa bawat sampung OFW ang nagsabi na kailangan nila ng sariling negosyo para makapag “for good”
  • Anim naman sa bawat sampu ang nagsabi na mapagtapos lang nila sa pag-aaral ang kanilang mga anak ay pwede na silang mag “for good”
  • Apat naman sa bawat sampu ang nagsabi na magkaroon lang sila ng sariling sasakyan ay okay na silang umuwi at manatili sa Pinas
  • Habang dalawa sa bawat sampu naman ang nagsabi na magkaroon lang sila ng sariling bahay ay magpo-“for good” na sila

Additionally,

  • Sa bawat sampung OFW na sinurvey walo ang hindi pa handang mag “for good” sa kadahilanang hindi pa sila handa, hindi pa tapos sa pag-aaral ang kanilang mga anak, wala pang sariling bahay, may mga ibang pangarap pa na gustong makamit, hindi pa stable.
  • Yung natitira namang dalawa dun sa bawat sampu ay mas pinili na lang makapiling ang pamilya o may sarili ng negosyo o may sapat na ipon.

Ang mga sinurvey din na OFW na’to ay nagsabi na nakakapag-save silang ng P13,000 per month kaya kung susumahin mo aabutin ng 18 years para makaipon sila ng 3 milyon pesos para makapag “for good.”

Paano pa kaya kung hindi ka nakakapagtabi o nakakapag-ipon? Di hindi ka na makakapag “for good?” Sa abroad ka na lang ba tatanda? Hanggang Skype na lang kayo palagi ng mga mahal mo sa buhay?

This should not be our case and we have to actively looking for ways para madagdagan ang kinikita natin.

The internet has made it a possibility para sa ating mga OFWs na kumita ng extra sa ating spare time by having our own online business gamit at computer at internet connection, which I believe majority of OFWs around the world has access to.

There are 2 options on having your own online business:

  • You can start your own from scratch
  • You can use an “online business-in-a-box”

You can learn both by accessing this FREE training that will teach you How To Quit Your Job, Enjoy Life & Achieve Financial Freedom With A Profitable Online Business.

Click the BLUE BUTTON below to Access the FREE Video Series:

 

Comments

comments

Leave a Reply