How to Properly Answer Any Question From Your Prospect

How to Properly Answer Any Question From Your Prospect

Woman Talking On Her Cell Phone

Image courtesy of David Castillo Dominici at FreeDigitalPhotos.net

Nasa Ibn Batutta Mall ako at naghahanap ng pabango na pinabibili ng asawa ng pinsan ng wife ko ng may nag-private message sa’ken na isang friend sa Facebook.

Nagpapasalamat sya dahil marami syang nakukuhang mga bagong leads sa Facebook advertisement na ginawa nya kahit P50 lang ang daily budget nya. May ni-refer kasi ako sa kanyang training about Facebook advertising na nakatulong sa kanya para magkaroon ng magandang result sa kanyang ginawang Facebook ads.

Hindi na din daw sya nahihirapan sa Facebook ads. In fact, hindi na daw madugo ang Facebook ads para sa kanya.

And I was really happy for him na nakatulong yung product na ni-refer ko sa kanya.

Then after that he asked me a question. Tinanong nya ako kung paano nya daw sasagutin ang question na’to ng kanyang prospect:

“Paano kung walang nabenta sa product nung opportunity nya?”

At ito ang sagot ko:

Ganito lang palagi ang reply ko sa kahit anong tanong na ibinabato saken ng mga prospect ko:

Facebook chat with Erwin Rivas Esguerra“Baket mo naman natanong yang question na yan?”

Tapos, base dun sa sagot ng prospect mo tsaka ka lang magre-reply. Wag ka kaagad sasagot ng direct na sagot kasi kailangan mo munang malaman kung ano bang reason kung bakit nya naitanong yun.

Wag kang basta-basta sasagot kaagad. Kailangan malaman mo muna kung ano bang nasa isip ng prospect. Kahit na alam na alam mo na yung sagot.

Madalas kasi pag may tinanong ang prospects natin technical stuff kaagad ang nasasabi natin, mga features nung product natin ang kaagad nating binebenta.

Tandaan mo ‘to:

Hindi naman bumili ng product ang ating customer dahil gusto nya lang bumili. Naghahanap ang mga prospect natin ng solusyon sa kanilang mga problema. And maybe your product is a solution to their problem.

Initially you can’t know it for sure that’s why you need to ask them. After mo ng malaman kung ano ba ang problema nila. Dun mo na iko-convey or iko-connect yung mga applicable benenifts ng product mo.

 [Video]How to Properly Answer Any Question From Your Prospect

Nakatulong ba sa’yo ang article na’to? Please let me know. I would greatly appreciate if you commented below and shared on Facebook.

PS: Gusto Mo Bang Malaman Ang Nasa Isip ng Prospect Mo? Eto Ang Training Na Para Sa’yo – Click Here

Comments

comments

Leave a Reply