Why Most OFWs Are Able To Endure The Pain Of Not Taking A Vacation Or To Go Back Home In The Philippines?

Napakadaming dahilan kung bakit may mga OFW na nagsasakripisyong hindi makauwi at hindi makapagbakasyon.

SEE ALSO: Isang OFW sa Dubai, sa Isang Iglap Naubos ang Inipong Pera

Sa aking ginawang pagsasaliksik ang mga mababasa mo dito ang ilan sa mga binigay na dahilan na ibinigay ng mga kapwa natin OFW:

  • Kailangan munang makapag-ipon kasi ang gusto pag nakauwi na sya ng Pilipinas hindi na ulit sya mag-aabroad.
  • Sapat na sapat lang ang kinikita para ipangtustos ng panggastos ng pamilya sa Pilipinas. Ang hinaing nga ng madaming OFWs dumadaan lang daw sa kamay nila ‘yung pera t’wing sweldo kasi kailangan nilang unahin ang mga pangangailangan ng mga mahal nila sa buhay.
  • Walang perang ipanggagastos habang nasa bakasyon. Kapag nasa bakasyon kasi ang isang OFW tumitigil sya sa pagtatrabaho, tumitigil din ang kanyang income. Kaso ‘yung gastusin hindi naman tumitigil.
  • Nagagalaw ‘yung naipon na pera dahil may mga ‘di inaasahang gastusin na dumadating tulad ng pagkakasakit ng isang miyembro ng pamilya.
  • Nagbabayad ng inutang na pera o ni-loan na pera para makapag-abroad.

Pag tumigil ka sa pagtatrabaho tigil din ang income mo. Kaso ang masama nito ‘yung gastusin mo hindi naman tumitigil.

Marami nga sa ating mga OFW nakakayang magtiis at mangulila sa mga anak mabigyan lang sila ng magandang kinabukasan. Nagtitiis na kahit walang matira sa kinikita guminhawa lang pamilya natin sa Pilipinas.

OFW’s Destiny?

Para sa karamihan ng ating mga kababayang OFW para bang ito na ang itinadhana na sa atin. Marami ang umaasa na baka isang araw magbubunga din ang mga paghihirap at pagtitiis natin.

Ang nakakalungkot mangilan-ngilan lang naman ang nakakaranas nito, bakit ko nasabi?

Sa akin ding bukod na pagsasaliksik, napag-alaman ko na sa bawat limang OFW dalawa lamang ang nakakapagtabi ng pera. At ang dahilan, katulad din dun ng mga sagot na ibinigay ng mga OFWs kung bakit nagtitiis at nagsasakripisyo silang hindi makauwi at makapagbakasyon.

Ngunit bibigyan ka ng diin ang isang bagay dito. Ang kadahilanang kaya madaming OFWs ang hindi nakakaipon ay dahil sakto lang ang kanilang perang kinikita.

Ano ang ibig kong sabihin dito? Magbibigay lang ako ng isang napakasimpleng halimbawa.

Kung kumikita ka ng P20,000 sa isang buwan at ang total na gastusin mo at ng pamilya mo sa Pilipinas ay P20,000 sa palagay mo makakaipon ka kaya? Natural hindi!

You Have Two Options

At dalawa lang ang pwede mong gawin upang makapagtabi ka ng pera:

  • Magbawas ng gastusin
  • Dagdagan ang iyong perang kinikita

1. Magbawas ng gastusin

Isang napakagandang idea nito pero sa totoo lang sa karamihan ng mga OFW mas gusto nating enjoyin ang mga magagandang bagay na nabibili ng pera.

Kaya nga madaming OFW ang nagsasabi na mas gugustuhin pa nilang magtiis mabigyan lang ng maginhawang buhay ang kanilang mahal sa buhay.

Kaya hindi nakakapagtaka na madami ding OFW ang hindi nakakaipon dahil nakapakahirap talagang magbawas ng gastusin.

2. Dagdagan ang iyong perang kinikita

Isa lang ang madalas na pumapasok sa isip ng mga OFW kapag ito ang pinag-uusapan:

  • Part-time income
  • Extra income

At tama naman sila, kasi kung iisipin mo wala namang ibang paraan para madagdagan ang iyong kita.

Karamihan kasi sa mga bansang pinagtatrabahuhan nating mga OFWs ipinagbabawal ng mga employers natin na magkaroon tayo ng pangalawang trabaho. Kasi nga naman mahahati ang commitment mo dun sa employer mo.

Kaya sa karamihan ng mga OFWs na nagnanais na dagdagan ang kanilang perang kinikita part-time income o extra income ang nahanap nilang solusyon.

You Are Not Alone

Sa totoo lang libo-libo ng OFWs ang nahanap ang solusyon na’to.

May mga mangilan-ngilang OFWs nga ang nag-for-good na sa Pilipinas kasi nung ginawa nila ang solusyon na’to ng part-time napag-alaman nila na pwede pala itong panggalingan ng isang full time income na:

  • Kayang sumuporta sa mga panggastusin ng kanilang pamilya.
  • Makapagbigay ng maginhawang buhay para sa kanilang pamilya

May iba namang OFWs na ginagawa itong part-time at kumikita sila ng extra sa pamamagitan nito. At ‘yung extrang kita na ‘yun ang kanilang inilalaan para sa kanilang savings.

Nasusuportahan na nila ang mga gastusin ng kanilang mga pamilya at nabibigyan din nila ito ng maginhawang buhay. Higit sa lahat meron na silang naitatabing pera.

Ikaw, gusto mo bang makilala ang mga OFWs na’to at maranasan din ang kanilang nararanasan?

  • Yung makakauwi at makakapagbakasyon ka sa Pilipinas na hindi ka mag-aalala na wala ka pang naiipon na pera?
  • Yung hindi ka mag-aalala na wala kang panggastos?
  • Yung hindi mo na mararamdaman na parang dumadaan lang sa mga palad mo yung perang kinikita mo?
  • Yung mababayaran mo na lahat ng utang at ni-loan mo para lang makapag-abroad ka?

Kung sa palagay mo IKAW ‘tong OFW na tinutukoy ko, click the BLUE BUTTON below:

Comments

comments

2 Comments

Leave a Reply