No Selling SignMatagal na akong nababahala sa mga ganitong advertisement na nakikita ko. Sa haba kasi ng panahon na ginugol ko para dagdagan ang aking kaalaman para maging successful sa network marketing at sa aking mga natutunan, parang gustong bumaliktad ng sikmura ko kapag nakakakita ako ng ganito:

“No Selling Required”

Bakit ba nila sinasabi ang ganito? Ano ba ang dahilan?

Isa lang ang natutunan ko:

Ayaw nilang takutin yung kanilang mga prospects.

SEE ALSO: Bakit Puros Rejections ang Napapala Mo?

Its common knowledge na kasi na kapag sinabi mo sa prospect mo na kailangan nilang magbenta o magrecruite siguradong hinding-hindi mo sila mapapasali.

Pero bakit nga ba ‘yung idea pa lang na kailangan mong magbenta ay ayaw na ayaw ng mga prospects mo?

Bago ko sagutin ang tanong na ‘yan may isang katotohanan lang ako na gustong sabihin upang maging successful ka sa iyong network marketing, MLM at home based business.

Paunawa: Hinihiling ko lang na isang-tabi mo muna lahat ng pre-existing ideas mo about selling and sales dahil ang sasabihin ko ay malamang taliwas sa natutunan mo sa upline mo. At alam ko naman na open-minded kang tao and I hope that you’ll consider hearing out this message.

Here it is:

Nothing Else In A Business Matters If Good Sales And Marketing Aren’t Being Used – Ann Sieg

So sinabi ko ba kanina na maaaring taliwas sa mga natutunan mo ang sasabihin ko? 🙂

Gustuhin man natin o hindi ngunit ito ang katotohanang ayaw ipaalam sa’yo at sa napakadaming struggling Pinoy network marketers.

Ngunit kung bibigyan mo ng oras para alamin kung ano ang karaniwan sa mga successful at top earners sa company na kinabibilangan mo ngayon ay ito:

Alam nila kung papaano magbenta, ng products ng company nyo, ng kanilang mga serbisyo, ng kanilang mga ideas.
Meron silang abilidad sa pagbebenta at nauunawan nila kung paano at bakit bumibili ang mga prospects nila at kung bakit sa kanila kailangan bumiili ang mga prospects nila.

Ito rin ‘yung mga successful at top earners na kahit anong i-recommend nila sa kanilang mga downlines/followers ay siguradong papakinggan ang kanilang recommendation.

I hope na-establish ko na kung gaano kahalaga at kung gaano kaimportante na matutunan mo ang “good sales and marketing”. Uulitin ko na hindi lang basta “sales and marketing” ngunit “good sales and marketing”

Ngayon, balikan na natin ‘yung tanong kanina na:

Bakit nga ba ‘yung idea pa lang na kailangan mong magbenta ay ayaw na ayaw ng mga prospects mo?

Unang-una meron ng pre-existing ideas ang prospects mo kung ano ba sa kanila ang pagbebenta (ibig sabihin hindi mo pa man sila inaalok o binebentahan meron na silang idea kung anong gagawin nila at kung ano ang mangyayari) at napakasamang pangitain ito para sa kanila, mas gugustuhin pa nilang malibing ng buhay ‘wag na ‘wag lang magbenta.

Anu-ano itong mga pre-existing ideas na’to:

  • Alukin ang mga kamag-anak, kaibigan at kakilala na sa kasamaang palad ay meron na ding parehong pre-existing idea kung ano ang gagawin nila kapag sumali sa’yo, at ano ‘yun? Alukin din ang mga kamag-anak, kaibigan at kakilala nila. At dahil malamang na ni-reject ka nila nung inalok mo sila ‘yun din ang iisipin nila, na mare-reject din sila.
  • Mang-alok ng mga hindi kakilala, mamigay ng flyers, magbilad sa kalsada. Mang-SPAM sa Facebook, i-TAG lahat ng mga friends mo sa mga pictures ng opportunity mo, mag-private message. Kung ganito lang din ang gagawin nila kapag sumali sila sa’yo, di bale na lang.

Ang nakakabahala ngayon dito ay alam ito ng karamihan ng mga involve sa network marketing kaya sinisikap nilang i-promote na hindi nila kailangang magbenta once nagdesisyon silang sumali sa kanilang opportunity.

Pero maaaring mali ako, maaaring hindi ito alam nung nagsasabi na hindi required na magbenta. Maaaring nagsasabi lang sya ng half-truth.

Sa half-truth ito ang ibig kong sabihin:

Kaya hindi na sila nagbebenta ay dahil napakalaki na ng network/team/downlines nila na kumikita na sila dun sa effort nung mga taong ‘yun, hindi na nga nila kailangan magbenta.

But let’s face it, para sa isang baguhan, marami pa syang kakaining bigas para ma-attain ‘yung ganoong status na hindi na nya kailangang magbenta.

Sa mga napasali at naniwala sa idea na hindi nila kailangan magbenta, madidiskubre at malalaman nila ang katotohanan na para kumita at maging successful sa network marketing ay kailangan nilang matuto kung paano magbenta o magrecruite.

Ito ang isa sa mga dahilan kung bakit maraming nagsasabi na kalokohan lang ang network marketing, na niloko lang sila para mapasali.

…kapag nagdesisyon kang ma-involve sa network marketing na you are in fact in SALES.

Ito rin ang dahilan kung bakit ko sinulat ang article na’to. Gusto kong ipaalam sa’yo na kapag nagdesisyon kang ma-involve sa network marketing na you are in fact in SALES. And you need to learn sales and marketing skills.

Kapag wala ka kasing sales skills siguradong hindi mo alam kung paano mo sasagutin ang mga common objections na ma-e-encounter mo sa mga prospects mo.

Objections na tulad ng:

  • Networking ba’to?
  • Pyramiding ba’to? Scam ba’to?
  • Magkano na ba ang kinikita/kinita mo dyan?

Walang short-cut sa network marketing. Kapag wala kang sales and marketing skills ‘wag mo ng asahan na magsa-succeed ka.

Nung nalaman ko ang katotohanang ito para akong naharap sa isang daanan na may dalawang patutunguhan:

  • Unang daan kung saan pwede akong magdecide na tigilan na lang ang kalokohang ito.
  • Pangalawang daan kung saan pwede akong magdecide na mag-aral ng mga require na skills para maging successful sa network marketing, mag-aral ng sales and marketing skills.

Pinili ko ang pangalawang daan, nagdesisyon akong mag-acquire ng set of skills para maging successful sa network marketing.

At ito ang gusto kong sabihin sa’yo, maaari mong simulan ngayon din na mag-acquire ng mga bagong set of skills para maging successful ka din sa iyong network marketing, MLM at home based business kahit bago ka pa lang o matagal na sa industriyang ito.

Kung bago ka pa lang o kaya naman ay matagal ka sa industriyang ito ngunit wala ka pa ding success ito ang nirerekomenda kong training para sa’yo:

3 FREE Video Training on How to Magnetically ATTRACT Lots Of INTERESTED Customers and Prospects Willing To Buy Your Products and Join Your Business Using the POWER of INTERNET

Kung matagal ka na sa industriyang ito at gusto mong dagdagan ang iyong skill set on sales and marketing ito naman ang nirerekomenda kong training para sa’yo:

FREE 3 Training Videos How to Sponsor 63 New Downlines in 4 Months

If you have any Questions, Comments or Suggestions, use the comment box below. I would really love to hear from you.s

This article is brought to you by Christian Carpeso, who enjoys helping people SUCCEED with the help of the internet. Click here to get to know Christian Carpeso better. Thanks!

FREE Ebook!
The Shy Type Marketers Manifesto

Discover The 7 Business Principles That Is Almost Never Taught To Majority Of Network Marketers That Helped An Introverted Guy With Poor Social & Communications Skills To Sponsor 3 People Per Month After Struggling For 18 Months In His Network Marketing Business!

Thank you for subscribing.

Something went wrong.

Comments

comments


Christian Carpeso
Christian Carpeso

Christian Carpeso is an Overseas Filipino Worker (OFW) currently based in Dubai, UAE. He's also the owner of the website ChristianCarpeso.com where he constantly publish articles that helps network marketers how to generate leads and recruit using the internet.

Leave a Reply