The Perfect Prospect

Finding the Perfect Prospect?

Finding the Perfect Prospect?

Si Daniel, bagong sali sa isang home based business. Sabi sa kanya ng kanyang sponsor, “Daniel, kahit sino pwedeng prospect mo sa business na’to. Kahit sino magugustuhan ‘to hindi pa lang nila alam”.

Alukin mo ang mga kapamilya, kaibigan at kakilala mo. O kaya naman mag-isip ka ng isang kakilala mo na:

  • Hindi na sya masaya sa trabaho nya
  • Gustong-gusto na nyang magresign
  • Maraming connection
  • Magaling makisalimuha sa mga tao

Unang sumagi sa isip ni Daniel ang kanyang kaibigan na si Robin. Perfect na perfect sya sa category na ibinigay ng kanyang sponsor.

Kaya dali-daling nagprivate message si Daniel sa Facebook account ng kanyang kaibigan na si Robin.

Ang sabi nya, “Pare, sumali ka na din sa dito sa home based business na sinalihan ko. Siguradong kikita ka dito. Swak na swak ito sa sitwasyon mo ngayon.”

Nagreply si Robin, “Scam ba yan pare? Sorry pero hindi ako interesado sa ganyan.”

Na-reject si Daniel.

Friend, ganito din ba ang experience mo sa home based business na kinabibilangan mo ngayon?

May gusto akong sabihin sa’yo:

Kahit sino pang isipin mong kamag-anak, kaibigan at kakilala mo na sa palagay mo ay perfect prospect para sa home based business mo walang saysay na alukin mo sila ng opportunity mo kung hindi naman sila actively naghahanap ng solusyon sa kanilang problema.

Ito ang tandaan mo, sa business na’to:

Until Someone Has Shown an Interest in What you’re offering And Have Asked You for More Information They Are Not Worth Your Time – Ann Sieg

Taliwas sa madalas na sinasabi ng mga sponsor ng mga home based business, HINDI lahat ng tao ay interesadong magsimula ng kanilang sariling business. At maniwala ka’t sa hindi may mga taong 100% ng kontento sa pagiging empleyado at walang balak na baguhin ‘yun.

Meron ding mga taong ganito:

  • Mga taong mahal na mahal ang kanilang trabaho at hindi ‘yon ipagpapalit kahit sa limpak na limpak na pera.
  • Mga taong kinasusuklaman ang pagsali sa home based business at mas gugustuhin pang malibing na lang buhay.
  • Mga taong naniniwala na ang pagkakamal ng madaming pera ay masamang bagay.
  • Mga taong walang sapat na pondo para magpatakbo ng isang business.
  • Mga taong madami ng pera at hindi na naghahanap pa ng ibang bagay.
  • Mga taong walang pakialam.
  • Mga taong walang oras.
  • Mga taong hindi talaga para sa kanila ang pagiging entrepreneur at mas mabuting maging empleyado na lang.
  • Mga taong kontento na sa buhay.

Okay lang ‘yun.

Anu mang mangyari, hindi mo kailangang kumbisihin ang kahit na sino na sumali sa’yong home based business. Mag-aaksaya ka lang ng pagod at oras.

Bilang isang home based business owner hindi mo trabaho na pasalihin ang kahit na sino. Ang trabaho mo ay ibuhos ang iyong pagod at oras dun sa mga taong nagpakita na ng interes ng pagsali sa business mo.

Pero alam ko meron kang katanungan dyan sa isip mo:

“Baket hindi natin subukan na alukin sila nung opportunity para malaman natin kung interesado ba sila?”

Make sense di ba?

Kaso, ito ‘yung isa sa mga technique ng karamihan ng mga home based business owners na nagbigay na cheap, second-rate image sa industriyang ito.

At isa pa, napakapangit na first impression ‘to para sa’yong prospect kasi pinakita mo na sa kanya kung paano mo ginagawa ang ‘yong business – nagsosolicit sa mga taong hindi mo kakilala.

At walang tao na gusto ng ganun.

Isang pang dahilan, ang ganito kasing klase ng marketing strategy ay hindi kailangan ng pera at saktong-sakto sa mga nagsisimula pa lamang.

Kaso ang problema ang nagiging impression sa’yo ng prospect mo ay ang pagiging unprofessional na hindi man lang nag-invest ng time at effort sa isang respectable marketing method.

Sa palagay mo, sinong tao ang gustong magpromote ng business ng ganun?

Isipin mo ‘to:

May kakilala ka bang doktor o dentista na nag-alok ng serbisyo nila sa bawat taong makasalimuha nila? Wala, di ba?

Kahit na may mahanap kang prospect na may “business mindset” malabong siryosohin ka pa din nya kasi:

Who Finds Who First Is Very Important – Ann Sieg

Pagkumparahin mo ‘to:

Pag ikaw ‘yung naghahanap ng prospect ang tingin sa’yo —> ISTORBO

Pag ikaw ‘yung hinahanap at nahanap ang tingin sa’yo —> EXPERT

Alam mo ba ang isa sa pinakamalaking objection sa home based business? Taking advantage of your friends and relatives.

May mga huling katanungan ako sa’yo:

  • Kailangan bang pahirapan mo ang sarili mo sa ganitong strategy?
  • Kailangan bang aksayahin mo ang pagod at oras mo sa kapipilit na pag-alok ng opportunity mo kahit alam mo na hindi naman sila sasali?
  • Kailangan bang gawin mo lahat ng ‘yun kung meron naman mga taong interesadong magsimula ng sarili nilang home based business?
  • Sa palagay mo ba magandang idea ‘yun?

I hope you’ve learned something from today. So please leave your comments below, I would really love a feedback. And don’t forget to hit ‘LIKE‘ or ‘SHARE‘!

Have a Great Day and God Bless You..

Yours In UNSTOPPABLE Success,
Christian Carpeso
2013-07-07_1825
Click Here To Go To My Facebook Fan Page
“Click HERE To Know How THOUSANDS of Pinoys Using This Technique Are Starting To Make Money”

Comments

comments

Leave A Response

* Denotes Required Field